Keme lang. Hindi ko kasi talaga passion ang pagsusulat. Tamad talaga ako. :))) Aminado ako! Ayoko ng paperworks. AYAW NA AYAW. Maliban nalang kung worksheet sa Math yan, pwede ko pang pagtyagaan. Pwede, pero hindi ko din sigurado kung matatapos ko. :)
Library Research Paper. LRP.
Imbyerna ang paggawa ng LRP. Puyat, pagod, punta't paroon sa National Library at ang hindi-nakakatuwang-paglalakad-sa-matarik-na-kalsada papuntang Main Lib ng UPLB, umaapaw na bibliographic entries, santambak na sources na nakapatas sa lamesa, maghapong pagsesearch sa net, ilang ulit na pabalik-balik sa HumDepartment at sangkaterbang revision at rejection. Believe it or not, sinakripisyo ko pa ang STAT1 Midterm Exam at 2nd Long Quiz ko para dito. Ganyan ko sineryoso ang LRP.
Hindi biro yan, bro. Kung hindi ka taga-LB, siguro, baka hindi mo ako maintindihan. Sabihin nalang natin na ang LRP na siguro ang paperwork na sobrang kailangan mong seryosohin kung OF ka (o basta nagte-take ka ng ENG2) dahil d'yan ka nalang babawi kung tagilid ang standing mo sa exams. Lalo kung prof mo yung mga The Chosen One sa Hum. :)
Katulad nga ng sinabi ko, hindi biro. Madami ang inulan ng singko at tres, may kwatro na may 50% chance na ma-tres at 50% na ma-singko. Malaking porsyento ng taga-UPLB, maka-tres lang sa kahit anong subject, sobrang saya na. Isa ako sa kanila. Kasi, sabi nga ng mga upperclass, malayo sa reyalidad ng buhay ang uno. :)
Bakit ko ginawan ng blog ang LRP? Dahil dun sa sinabi ng isang nilalang na itago nalang natin sa pangalang "Anon" as in anonymous. Ang masaklap d'yan, hindi lang basta kakilala si Anon.
Pero ngayong tapos na ang sem, worth it lahat. LAHAT. To God be the glory. I got my classcard at ang pinakamamahal kong professor sa ngayon na si Sir William Remollo, eh, binigyan ako ng grade na sobra-sobra sa ineexpect ko. Considering na sakto lang sa passing ang grade ko sa prelim at midterm, gano'n pa ang nakuha kong grade.
Ewan ko pero nainis talaga ako nung narinig ko yung kwento. Oo, hindi ako expert sa English, 'di katulad ng 'iba'. Nakakasawa na kasi yung palagi kang dina-down. Pwede din naman kasi sigurong mag-excel din yung iba, di ba? Ang mahirap kasi sa'tin, kapag may nakaangat ng konti, ibis na ikatuwa, hindi mo alam kung anong klaseng reaction yung pinapakita nila. You know what I mean. Sana, wag nalang magsalita, kung hindi lang din maganda yung sasabihin. :) Kamown!
Katulad ng sinasabi palagi ng roommate ko, "You just can't have it all." Walang thrill ang buhay kung hindi mo mararanasan na maangatan ng iba. Hindi ka matututong mag-exert ng extra effort kung palagi nalang ikaw yug nasa taas. :)
"For by the grace given me I say to every one of you: Do not think of yourself more highly than you ought, but rather think of yourself with sober judgment, in accordance with the measure of faith God has given you." ~Romans 12:3
Katulad ng sinasabi palagi ng roommate ko, "You just can't have it all." Walang thrill ang buhay kung hindi mo mararanasan na maangatan ng iba. Hindi ka matututong mag-exert ng extra effort kung palagi nalang ikaw yug nasa taas. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento
Feel free to comment and say something. Enjoy! :)